RATED R
ni Rommel Gonzales
PINANGUNAHAN ni dating PTV News Anchor at Star Awards Best Male News Caster Joee Guilas ang paglulunsad ng pinakabagong hotel sa Quezon City, ang VS Hotel Convention Center sa EDSA.
Sa kanyang keynote speech bilang undersecretary ng Strategic Partnerships and Engagements ng Office of the President, tinalakay ni Usec. Joee ang kahalagaan ng pagpapalawak ng relasyon ng isang negosyo sa mga customer para matiyak ang pag-unlad.
At dahil na rin naging tema ng paglulunsad noong Independence Day ang Creating Lifestyle Experience, binigyang diin din niya ang kahalagaan ng pangangalaga ng ating kalusugan bilang susi sa pagkakaroon ng mas magandang buhay.
Aniya, “We celebrate Independence Day, our country’s 127th, a moment to honor our freedom as a nation.
“Let us also commit to pursuing personal independence. We should set ourselves free from sickness, disease, fear, doubt and anything that holds us back from living our best lives.”
Ang bagong pasilidad ay ‘di lamang maituturing na isang maayos na accommodation para sa mga business traveler. Ito ay masasabi ring isang santuaryong pangkalusugan dahil kompleto ito sa sports and recreation facilities tulad ng basketball, badminton, tennis courts; 24/7 gym; swimming pools; dance studio; cinemas; skin care at spa clinics; at mga restaurant and cafe. Kasama ni Usec. Joee sa pagbubukas ng hotel ang mga opisyal ng kompanya gaya ng pangulo nitong si Gen. Mgr. Mario Isic,Marketing Head, Ralph Torres at iba.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com