PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
TILA sunod-sunod naman ang posting ng mga sighting kina Bea Alonzo at Vincent Co.
Simula kasing pumutok ang item sa dalawa, halos every week na lang ay may update ang netizen sa dalawa, pagpapatunay na may something na nga sa kanila.
Ultimo ang pagbati nila ng happy birthday kay Sen. Bong Go ay pinag-usapan din at naikonek nga sa mga business ventures nila, lalo na’t si Vincent ang sinasabing magmamana at magpapatakbo ng chain of supermarkets and resto business ng family nila.
Siyempre, iba pa ‘yung mga negosyong si Bea naman ang may-ari kaya’t abangan natin sa future ang pagiging matagumpay na business dragon ng isang Bea.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com