Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fyang Smith at Jarren Garcia JM Ibarra Death Threat

Ogie sa Star Magic: sampolan naglabas ng death threat

MA at PA
ni Rommel Placente

KUMALAT sa social media ang Facebook post ng isang fan nina Fyang Smith at Jarren Garcia na sinabi nitong nag-hire siya ng hitman para mawala sa buhay ang ka-loveteam ng aktres na si JMIbarra.

Ang pagbabanta ay unang in-upload sa Facebook page ng JMFYANG ANGELS na  mababasa ang death threat.

“Kung hindi mapupunta si Fyang kay Jarren di rin siya mapupunta kay JM kasi sa June last show niya ‘yun.

May gagawin kaming fandom para mawala si JM nag-hire kami ng hitman para mawala ang tinik saming mga JarFyang si Tito Mak Mak niyo,” sabi sa FB page.

Pinalagan ng Star Magic, talent management ni JM, ang pananakot at pagbabanta sa buhay ng binata. Hindi raw nila tino-tolerate ang anumang personal na atake sa social media laban sa kanilang mga talent.

“Star Magic does not tolerate threats, derogatory remarks, and other personal attacks made online against our artists. These acts have serious and damaging consequences and we will take legal action, if necessary,” sabi sa official statement ng Star Magic.

Kasunod nito, sa latest episode ng Showbiz Updates vlog ni Mama Ogs, sinabi nitong mas okay sana kung masampolan ang fan na naglabas ng death threat.

“Mas maganda nga sampolan nila para ‘pag nag-file kunan nila bilang pananda sa mga netizen na ganoon na lang to go overboard.

“Lalo na parang kilalang-kilala nila ‘yong tao kung manlait sila, at sirain ‘yong reputasyon,” pahayag pa ni Ogie.

Ipinagdiinan ng talent manager at vlogger na may limitasyon din ang paghanga ng  fans sa kanilang mga idol.

Pinayuhan din niya sina Fyang, JM, at Jarren na kung maaari ay pakiusapan nila ang  fans na huwag nang mag-away-away at suportahan na lamang ang kanilang respective career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …