Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

Lolong wanted sa rape, sakote sa Valenzuela CPS

SA KULUNGAN bumagsak ang isang 67-anyos lolo na wanted sa kasong incestuous rape matapos matunton ng Valenzuela Police sa kanyang pinagtataguan sa Batangas, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan ng akusadong si alyas Lolo Popoy sa Batangas.

Ang akusado ay nakatala bilang No. 5 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) at Valenzuela City Police Station.

Agad nagsagawa ng operasyon ang pulisya at  dakong 3:10 ng hapon nitong Martes nang makorner ng pinagsamang operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Station Intelligence Section ng Valenzuela CPS ang akusado sa kanyang tinutuluyang bahay sa Ayala Street, San Pascual, Batangas.

Hindi pumalag ang akusado nang bitbitin siya ng pulisya dala ang warrant of arrest para sa kasong Incestuous Rape in relation to RA 7610 na inisyu ng Valenzuela City Family Court Branch 16, noong 14 Marso 2025 na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela CPS sa kanilang matagumpay na operasyon. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …