Tuesday , November 11 2025
Malabon City
Malabon City

Malabon LGU, kabilang sa top performing local economies sa MM

INIANUNSIYO ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may pinakamabilis na paglagp sa Gross Domestic Product (GDP) noong 2024 ang Malabon City dahil sa pag-angat ng 7.27%  growth rate, kabilang ito sa mga top-performing local economies sa Metro Manila.

“Ito po ay patunay na patuloy na lumalago ang ekonomiya ng Malabon. Mas palalakasin pa po natin ito ngayong taon at sa mga susunod pang mga taon sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga negosyong maliliit at malalaki, sa mga manggagawa, at sa mga negosyante. Alam naman po natin na kung mas malakas ang ekonomiya sa lungsod, mas marami ang mamumuhunan at mas maraming oportunidad ang bubukas para sa ating mga Malabueño,” ayon kay Malabon Mayor Jeannie Sandoval.

                Tinupad ni Mayora Sandoval ang pangako ng kanyang administrasyon na palalakasin ang paglago ng negosyo at trabaho sa Lungsod ng Malabon mula sa tulong ng mga programa para sa MSMEs, digital transformation, at pagpapaunlad ng kabuhayan ay matitiyak ang pag-ahon ng lungsod.

Ang GDP ay sumusukat sa kabuuang halaga sa market value ng lahat ng mga produkto at serbisyo. Para sa 2024, ang GDP ng Malabon ay tinatayang nasa ₱72.34 bilyon, na may Per Capita GDP na ₱185,524 (kabuuang GDP na hinati sa kabuuang populasyon sa kalagitnaan ng taon), ayon sa data ng PSA.

Ang 7.27% paglago ng lungsod ay nagmamarka ng isang makabuluhang pagbilis mula sa 3.2% rate ng paglago noong 2023, nang umabot ang GDP sa ₱67.44 bilyon mula sa ₱65.37 bilyon noong 2022. Nalampasan din ng Malabon ang average na paglago ng NCR na 5.6%, na binibigyang-diin ang malakas at matatag na economic momentum.

Sa datos ng PSA, kabilang sa mga industriyang may pinakamalaking kontribusyon sa paglago ng GDP sa Malabon ay ang manufacturing, wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles, at construction, habang ang nangungunang industriya na may pinakamabilis na paglago sa Malabon ay ang ‘other services’.

Kinilala ni Mayor Sandoval ang matatag na pag-unlad ng lungsod sa negosyo at mga programa nito tulad ng streamlining at digitalization ng business permit process sa pamamagitan ng E-BOSS sa ilalim ng Ease of Doing Business program, pagpapatupad ng Malabon Ahon Blue Card na nagbigay ng tulong pinansiyal sa mahigit 90,000 residente, at pagpapalakas ng livelihood at entrepreneurship programs para sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Samantala, binigyang-diin ni City Administrator Dr. Alexander Rosete na ang pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod ay direktang nagsasalin sa mas magandang kalidad ng buhay para sa mga residente nito. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …