UMABOT sa 505 sandbags ang inilagay ng City Engineering Department (CED) ng Malabon local government unit (LGU) bilang paghahanda sa pagdating ng tag-ulan at upang makapigil ng pagbaha, kasabay ng pag-aayos ng Malabon-Navotas River Navigational Gate na ginawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa flood control systems sa parte ng Malabon at Navotas.
Ayon kay Malabon Mayor Jeannie Sandoval, layunin ng sandbagging ay para mailigtas ang mga low-lying at flood-prone communities mula sa pagtaas ng baha na dulot ng high tides at pag-ulan.
“Sa ngayon po ay patuloy nating tinututukan ang pagsasaayos ng nasirang navigational gate, na muling nasira dahil sa mechanical issue. Nagdulot ito ng pagbabaha, lalo tuwing high tide. At ngayong papasok na ang tag-ulan, mas paiigtingin pa natin ang mga programa para sa kaligtasan ng ating mga residente. Kooperasyon at pagtutulungan lamang po ng bawat isa sa atin ang kailangan,” paliwanag ni Mayor Sandoval.
Sa report ng City Engineering Department naglagay sila ng 205 sandbags sa kahabaan ng river wall ng Gabriel 2 Subdivision, nasa 125 bags sa Talabahan Riverwall malapit sa Talabahan Pumping Station sa Barangay Hulong Duhat, 100 bags sa Martin Compound, C. Arellano, Barangay Ibaba,
50 bags sa MCM River Wall saBarangay Tañong, at may 25 sand bags sa kahabaan ng Asinan Riverwall sa Barangay San Agustin.
Kasabay nito, ang programang ongoing cleanup drives at declogging operations na ginagawa ng CED at City Environment and Natural Resources Office (CENRO), na nakatutok sa main roads, alleys, waterways, at drainage systems.
Inaasahang matatapos ang repair ng navigational gate ngayong ikalawang linggo ng Hunyo. (VICK AQUINO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com