MA at PA
ni Rommel Placente
KAHIT hindi pinalad manalo nitong nakaraang eleksiyon na tumakbong konsehal sa Pasig, madali namang nakapag-move-on si Ara Mina. In fact mas, naging blooming pa ito sa bago niyang hairstyle.
Nalungkot, pero aniya tuloy lang ang buhay.
Hindi lamang ang pagkatalo ni Ara ang inuurot ng netizen, maging ang saloobin niya sa break-up ng kapatid na si Cristine Reyes at Marco Gumabao. Marami rin kasing pagkakataon na nakasama niya ang dating nobyo ng kapatid sa mga okasyon ng pamilya.
Sa programa ni Boy Abunda ay natanong ang aktres sa kung anong reaksiyon niya rito.
Kung ano raw ang alam ni Ara ay mananatili na lamang kanya. Hindi raw siya ang tamang tao para magsabi ng real score sa dalawa.
Sabi pa ni Ara, mature na si Cristine at naroon lang silang pamilya niya para rito.
Nagbahagi naman ng appreciation si Ara sa nakababatang kapatid dahil kinabukasan after ng eleksiyon ay nag-text ito at niyaya siyang mag-dinner. Marahil ay para i-comfort siya at naroon din lang naman lagi siya para suportahan ito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com