PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
ISA na marahil sa pinaka-bonggang concert na pinag-uusapan hindi lang sa bansa kundi maging sa abroad, ang kick-off concert ng SB19 para sa kanilang Simula at Wakas world tour.
Grabe ang mga nag-trending na videos na kuha sa first night nito last May 31 and for sure, mas lalo na last night, June 1, sa Philippine Arena.
Tinatayang umabot sa halos 55k ang mga taong dumagsa in both nights kaya naman hindi nakapagtatakang naglabas ng mga advisory bulletin ang pamunuan ng NLEX dahil sa traffic ng parehong mga tao at sasakyan sa naturang lugar sa Bulacan.
Sa mga snippet na napanood namin, madamdamin, punompuno ng excitement, magagaling, in high spirits at tunay namang pang-world class ang SB19 performances nina Stell, Pablo, Ken (Felip), Josh. at Justin.
Mahirap nang mapantayan ang mga ganoong palabas at hindi kami magtataka kung very soon ay mas pang-Guinness World Record ang mga pagtatanghal na gagawin ng sikat na sikat ngayong SB19.
Sa mga ka-Atin at ka-Mahalima, congratulations po!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com