PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAPANOOD na ba ninyo ang teaser ng puksaan nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara sa Beauty Empire?
Grabe pero nagmama-asim nga ang nasabing teaser na kinaaliwan ngayon ng netizen at mga fan nina Barbie at Kyline sa pinakabagong serye ng GMA, CreaZion, at Viu.
Pasabog na teaser ang inilabas noong May 26 na makikita ang intense tarayan, sabunutan, at basaan nina Barbie (Noreen Alfonso) at Kyline (Shari De Jesus).
Siyempre, agaw eksena rin ang pagsigaw ni Ruffa Gutierrez (Velma Imperial) ng “Oh my gosh! Stop it!” habang nanlalaban ang kagandahan.
Laban na laban talaga ang pagiging #girlboss nina Barbie at Kyline sa teaser pa lang, kaya marami ang lalong humanga sa dalawang GMA stars at na-excite sa serye.
Sey nga ng isang netizen, “Hala nagtapat ang 2 sa pinakamagaling umarte sa GMA. Walang tapon sa eksena ng mga to.”
Simula na ng pinakamagandang laban. Mapapanood na ang serye soon sa GMA 7.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com