PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
UY, pinag-uusapan pa rin si Jean Garcia, na sobrang gigil na gigil pa rin kay Ruru Madrid, kaya’t ang mga viewer ng Lolong, ay balitang nangangamba.
Sa tinatakbo ng kwento, hindi man tinatantanan ng dagok sa buhay ay staying strong pa rin si Lolong (Ruru) para maisalba ang kanyang sarili at mga mahal sa buhay.
Ngunit sa pina-intense na mga kaganapan sa Kapuso primetime series, nananaig ang takot sa viewers na gabi-gabi tumututok sa Lolong: Pangil ng Maynila.
Ngayong magbabalik na si Donya Banson (Jean) para pahirapan ang bida, lalo na namang lalapit ang panganib sa pamilya ni Lolong.
“Lagot buhay si Dona” sey ng isang netizen.
Pero dahil palaban ang lahat, tiyak may matinding puksaan na namang magaganap kina Lolong at mga kaaway.
Diin nga ni Karina (Rochelle Pangilinan) sa isang eksena, lahat ay gagawin ng mga kaaway para mapatay si Lolong.
“Ang exciting pero naku ingat ka Lolong!” komento ng isa pa.
‘Wag pahuhuli sa mga kaabang-abang na eksena sa serye, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com