Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 50)

KOMBINSIDO SI MAJOR DELGADO NA MALAKING ISDA ANG MGA SALARIN AT KAILANGAN PAGHANDAAN

“Hindi madaling hulihin ang malalaking isda,” pagbibigay-diin ni Major Delgado sa tatlong tauhan. “Kailangan, matibay ang lambat para ‘di makawala.”

Tama ang kutob ng opisyal na hindi si Mario ang salarin sa panggagahasa at pagpatay sa nursing student na si Lerma.  Palibhasa’y matagal nadestino sa Cebu at natuto ng wikang Cebuano,  naintindihan nito ang kahulugan ng sinabi noon ni Delia sa wikang Cebuano na, “Ayaw ng tubag tubag. Basin ug usa sad na sa mga buang na pulis, madugangan nang madugangan ang kaso mo.” (Tagalog: ’Wag kang sumagot nang  sumagot. Baka isa rin ‘yan sa mga lokong pulis, madagdagan nang madagdagan ang kaso mo.)  Isa pa, sadyang duda na ito noon pa man na kathang-isip lang ang mga sirkumtansi-yang testimonya sa sinumpaang salaysay ni Mang Pilo, dahil kabisado nitong dakong alas-diyes ng gabi ay karaniwang nakapuwesto na ang magbabalut sa labas ng mga beerhouse at videoke bar.

Siksikan ang mga preso sa panlalawigang piitan na pinaglipatan kay Mario mula sa selda ng himpilan ng pulisya sa munisipyo. Ang nakababanas na klima ng panahon ay karagdagang init sa kawalan nang maayos na bentilasyon at nagsasama-samang singaw doon ng mga katawan na kulang sa paligo.  Nasabi tuloy ng isang detenidong tadtad ng tattoo ang katawan na ikinukondisyon na ang katawang-laman ng tulad nitong impiyerno ang destinasyong patutunguhan.  (Subaybayan bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …