PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MUKHANG sumakses si Choi Bo-Min sa pag-welcome sa kanyang Beauty Empire co-stars na sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, at Aaron Maniego sa South Korea. Masayang lumipad ang apat pa-Seoul kamakailan para sa ilang eksena ng inaabangang pinaka-magandang laban sa primetime, ang Beauty Empire.
Sa posts ng GMA Public Affairs, makikitang mala-Koreana ang atake nina Barbie at Kyline habang suot ang kanilang fashionable outfits.
Kung face card ang usapan, hindi talaga pakakabog ang dalawang Kapuso stars.
Kitang-kita ang closeness nina Barbie, Kyline, Choi Bo Minh, at Aaron kahit pa unang beses pa lang nilang magsama-sama sa isang serye. Lalo tuloy na-excite ang fans dahil sa chemistry na ipinakikita nila.
Soon ay ipalalabas na ang Beauty Empire, ang bagong serye ng GMA, Viu, at CreaZion Studios. Abangan!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com