Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Still Lani Misalucha

Lani ibinahagi bakit siya tinawag na Asia’s Nightingale  

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang interview ni Lani Misalucha, ikinuwento niya kung paano nagsimula at bakit siya tinawag na Asia’s Nightingale ng music industry.

 Ayon kay Lani, ang pagbibigay sa kanya ng naturang titulo ay inspired ng ibinigay namang title noon kay Regine Velasquez, ang Asia’s Songbird.

Kwento ni Lani, “I was managed by Ronnie Henares. Maraming dumaan sa Primeline, ‘yung pangalan ng kanilang management. So that was the time na wala na si Regine sa Primeline.

“And then ‘yung mag-asawa, si Mr. Ronnie Henares at si Ate Ida (Ramos), they were like, ‘Oh my gosh, what are we gonna give her?’ Yun na nga parang title or a moniker.

“Sabi nila, bakit hindi bigyan natin siya ng another bird name? Kasi nga, na-establish nila si Regine as a Songbird. So they were also thinking of giving me the same name, na bird.

“Then one time, so they were praying about it. Si Ate Ida, I think, parang nasa kalye siya, tapos biglang may dumaan sa kanya na board na may nightingale. And then she called her husband, ‘Ronnie, this is what we’re gonna give her, the Nightingale.

“Actually, sabi ko nga, ‘Wow, it’s really a beautiful name. And of course, noong time na ‘yun, hindi ko naman alam na ano ‘yung nightingale. And then it was just later on that, ‘yun na nga, isa siyang, of course, isa siyang ibon that really sings beautifully,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …