Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame

Willie olats na sa politika, wala pang show na babalikan

MA at PA
ni Rommel Placente

KUNG may mga artistang pinalad manalo sa katatapos na midterm election, mayroon din namang hindi sinuwerte sa unang sabak sa politika. Ito ay sina Willie Revillame, Marco Gumabao, at Luis Manzano

Sino nga ba ang mag-aakala na si Willie, bago ang eleksiyon ay consistent na sa mga survey, na papasok sa mga mananalo sa pagka-senador, pero hindi naman nangyari. Hndi siya nakapasok sa Top 12. 

Sa mga artistang sumubok sa politika, isa siya sa mga na-bash nang husto ng mga netizen, lalo na sa usapin ng plataporma na sa mga interview   ay sinasabi niyang at saka na lamang iisipin ang plataporma kapag naupo na siya. 

Isa pa sa naging issue ay ang programa niya sa TV5 na Will To Win dahil tinapos na ito na ang dahilan ay ang pagsabak niya sa politika.

Pero ngayon nga ay wala na rin siyang babalikang show kaya abangan natin kung anong mga susunod na kaganapan sa kanyang showbiz career. 

Si Luis naman, noong una pa lang, ay may mga nagsasabing sa pagtakbo nila ng inang si Vilma Santos at kapatid na si Ryan Christian ay medyo alanganing manalo, dahil sa lakas ng  katunggali sa pagka-vice governor. 

Ang ending nga sa kanilang pamilya, siya lamang ang hindi pinalad na manalo. 

Sure naman na may babalikang career si Luis kaya back to hosting na muna ito at baka naman hindi ito ang panahon para pasukin niya ang politika.

Sa huli, nagpasalamat pa rin siya sa lahat ng sumuporta sa kanya, na kahit hindi siya pinalad na manalo aniya, ay panalo pa rin siya dahil sa mga suportang ipinakita ng taga-Batangas.

Sey naman ng mga netizen kay Marco, bigo na kay Cristine Reyes ay bigo pa ring pasukin ang politika. Kaya naman back to showbiz na lang muna ang aktor. Bata pa naman ito at sumabak na lang ulit next time sa politics.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …