Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na ang pinakamalaki, pinaka-komprehensibo, at pinaka-pinagkakatiwalaang pag-uulat ng halalan mula sa GMA Network.

Simula 4:00 a.m ngayong Lunes (Mayo 12), mapapanood na sa GMA at GTV ang eleksiyon coverage ng Kapuso Network. Pangungunahan nina GMA Integrated News pillars Mel Tiangco, Vicky Morales, Arnold Clavio, at Howie Severino ang paghahatid ng mga balita at update. Kasama rin nila sina Emil Sumangil, Pia Arcangel, Ivan Mayrina, Atom Araullo, Kara David, Susan Enriquez, Connie Sison, Raffy Tima, Mariz Umali, Sandra Aguinaldo, Maki Pulido, at ang buong hanay ng mga GMA Integrated News reporter.

Buong-puwersa ang GMA sa Eleksyon 2025, mapa-telebisyon, radyo, at online kasama ang 60 election coverage partners, mahigit 800 on-air at online journalists at staff at crew, 7 GMA Regional TV stations, at 21 radio stations sa buong bansa.

Sa radyo, mapakikinggan ang Eleksyon 2025, Super Radyo DZBB Special Coverage simula hapon ng Linggo, Mayo 11, 6:00 p.m. ng Martes, Mayo 13. 

Updated din ang Global Pinoys sa pamamagitan ng international channels na GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV. Online, ang eleksyon2025.ph  at dedicated digital platform ng network para sa komprehensibo at real-time na pag-uulat ng 2025 Philippine elections.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …