Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko may panawagan: fake news labanan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ITINULOY nga ng mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde ang legacy ni Mother Lily na ipakilala sa entertainment media ang mga kumakandidato sa public office na sa tingin nila ay progresibo at may malasakit sa industriya.

Sa mga nakaraang eleksiyon kasi noong nabubuhay pa si Mother Lily, masugid talaga ang pagtulong nito sa mga kandidatong nais niyang mapalapit sa showbiz industry.

Naalala pa namin noon ang grabeng suporta niya kina Sen. Grace Poe, Dick Gordon, Lino Cayetano, Sonny Angara, Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Lito Lapid, Loren Legarda at marami pang iba.

Mereseng nakalimutan o kinalimutan ng ilan sa kanila ang nasabing ‘tulong’ ni Mother o ‘di kaya naman ay somehow nabigo/binigo nila ang industriya, hindi pa rin ito naging rason para ma-disappoint ang Monteverde family.

Ang latest nga nilang iniharap sa showbiz media at kumbaga ay pinuhanan ng tiwala ay si Sen Kiko Pangilinan.

More than being Megastar Sharon Cuneta’s husband, marami na rin namang napatunayan ang dating senador at noong huling laban niya ay bilang bise presidente.

That’s why we are forever grateful to Regal family, most especially to Mother Lily. Hindi man ako lumaki bilang Regal baby, I can and I will say that having worked with Regal kahit once lang, has made my filmography complete and relevant. 

“And now that they are doing this for my husband, I, we are forever grateful. Hindi naman siguro kami tatayaan ng Regal if somehow ay walang napatunayan o nagawang maganda at disente ang asawa ko bilang public servant,” bahagi pa ng pasasalamat ni Shawie sa Regal family at sa mga kaibigan sa showbiz media.

“I know you can help us disseminate the right and correct information to the public. Sama-sama nating labanan ang fake news, ang mga maling claims sa social media. You have the power and influence,” susog naman ni Sen. Kiko na ang adbokasiya pa nga rin sa agrikultura ang pangunahing bitbit sa kampanya among his other platforms.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …