Sunday , July 27 2025
Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic
NAG-POSE sina Filipino Darell Johnson Bada (kaliwa) at Yukiho Okuma ng Japan, kampeon ang dalawa sa men at women’s sprint junior elite ng 2025 NTT Asia Triathlon Cup Subic Bay sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City noong Linggo, 4 Mayo 2025. (HENRY VARGAS)

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa men’s junior elite sa 2025 NTT Asia Triathlon Cup Subic Bay nitong 4 Mayo, Linggo.

Naitala ni Bada ang isang oras, isang minuto at 45 segundo upang talunin si Main Takata ng Japan (1:02:10) at kababayang si John Michael Lalimos (1:02:26).

Ikrenidito niya ang kanyang tagumpay sa matinding breakaway sa bahagi ng pagtakbo matapos ang mahirap na paglangoy at pagbibisikleta.

“Talagang gusto kong manalo kaya ibinigay ko ang lahat. Mahirap ang swim, challenging ang bike. Nag-breakaway agad ako sa running stage,” sabi ni Bada, na nagtapos sa ikatlong puwesto noong nakaraang taon na may oras na 1:03:22.

Si Euan Arrow Ramos, kampeon sa Under-15 super sprint noong nakaraang taon, ay nagtapos sa ikawalong puwesto na may oras na 1:07:38.

Kahit nawala ang isa niyang sapatos matapos ang bahagi ng paglangoy, na-dominate pa rin niya ang bike phase. Ngunit naubusan siya ng lakas sa run stage.

Sa women’s junior elite, si Yukiho Okuma ng Japan ang namuno na may oras na 1:08:13, kasunod ang mga Pinay na sina Anisha Eunice Caluya (1:11:18) at Aira Danara Gregorio (1:12:17).

Samantala, hindi natapos ng pambansang atleta na si Kira Ellis ang karera dahil sa injury sa shin, at umatras matapos ang bike leg ayon sa payo ng kanyang mga coach at therapist.

Sa sprint age-group race, nagwagi si Dustine Dan Eslay ng 2600 Tri Team North Pine Aquatics sa men’s 16-19 division na may oras na 1:07:24 sa kanyang unang pagsali sa triathlon.

Isang Grade 12 na estudyante mula sa University of Baguio, sinabi ni Eslay na inaasahan niyang sasali pa siya sa mas maraming kompetisyon sa hinaharap.

Kabilang sa iba pang mga nagwagi sina Andie Jimeno (18-24), Rafael Sawali (25-29), Tristan Rene Santos (30-34), Mike Kramer (35-39), Craig Douglas (40-44), Marvin Baldemor (45-49), Junrox Roque (50-54), JT Gonzales (55-59), at Cristobal Olivas (60 pataas) sa men’s standard age group.

Ang mga kampeon para triathlon na sinuportahan ng Philippine Sports Commission ay sina Edison Badillo (PTS2), Raul Angoluan (PTS3), Alex Silverio (PTS4), Jerome Nelmida at Shyrnel Amiladjid (PTVI), at sina Steven at Audrey Coleman (special category).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

THE Department of Science and Technology (DOST) Region I proudly took part in the Negosyo …

Promoting Local Livelihoods in Sagay, Camiguin through PORTASOL

Promoting Local Livelihoods in Sagay, Camiguin through PORTASOL

The Department of Science and Technology (DOST) Camiguin, led by Provincial Science and Technology Director …