Wednesday , June 24 2026
LA Tenorio PBA

LA Tenorio, Salvador ng Barangay Ginebra

GINABAYAN ni LA Tenorio ang Barangay Ginebra sa panalo laban sa San Miguel Beermen, 88-87, dahilan  para mapuwersa ang Game 7 sa PBA Season 49 Philippine Cup semifinals nitong Linggo ng gabi sa SMART Araneta Coliseum.

Uminit ang mga kamay ng beteranong guard na si Tenorio sa fourth quarter kung kailan lahat ng 11 puntos ay kaniyang  ginawa — kabilang ang panalong tres sa huling 3.1 segundo.

Nanguna sa Ginebra si Scottie Thompson na kumonekta ng 17 puntos; kasunod si Japeth Aguilar, 16 puntos; sina RJ Abarrientos, Stephen Jeffrey Holt, at Troy Rosario ay may parehong 12 markang ambag.

Namuno sa Beermen si Jun Mar Fajardo na may 21 puntos.

Ang deciding Game 7 ng best-of-7 semifinals series ay gaganapin sa Big Dome sa Miyerkoles. (HENRY TALAN VARGAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …