Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Papa Pi’ inendoso si Bam Aquino, sumama sa motorcade sa MM

NADAGDAG si Piolo “Papa Pi” Pascual sa mga artistang nag-eendoso sa kandidatura ni dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino.

Kahapon, Linggo, sumama si Piolo sa motorcade ni Bam sa ilang parte ng Metro Manila, kabilang ang Mandaluyong at Cubao, Quezon City.

Nakasama rin ni Bam ang aktres na sina Iza Calzado at Bea Binene sa Mandaluyong, Quezon City, at Valenzuela.

Bago nagsimula ang motorcade, pinagtibay nina Piolo, Iza, at Bea ang endorsement kay Bam sa pamamagitan ng pag-flash ng No. 5 sign, ang numero ng dating senador sa balota. 

Noong umaga, sina Bam at Bea ang nag-ikot sa Muntinlupa, Las Piñas, at Pasay kasama ang mga influencer na sina Kerwin King, Zion Aguirre, Gabe Pineda, Niño San Jose, Andrea Guevarra, Andrei Hermida, at Damien Villaflor.

Inendoso rin ni Piolo si dating Vice President Leni Robredo nang tumakbo itong pangulo noong 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …