Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa kanyang adbokasiyang pro-barangay  
MARCOLETA SUPORTADO NG BARANGAY LEADERS

050525 Hataw Frontpage

NAGPAHAYAG nang buong suporta ang mga opisyal ng barangay mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa tumatakbong Senador na si Rodante Marcoleta, dahil sa kanyang matatag na adbokasiya para sa pagpapalakas ng pamahalaang lokal, partikular rito

ang House Bill 9400.

Layunin ng House Bill 9400 na bumuo ng Barangay Affairs and Development Fund mula sa 3-4% ng mga hindi nagagamit o ‘natutulog’ na pondo ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Ang pondong ito ay direktang ilalaan para sa mga barangay, lalo sa mga nasa 4th at 5th class municipalities na patuloy na nahaharap sa matinding kakulangan sa pondo.

Ayon sa isang pag-aaral, tinatayang 12% lamang ng halos 42,000 barangay sa buong bansa ang may kakayahang mag-operate nang tuluy-tuloy. Karamihan ay nahihirapan dahil sa mababang honoraria ng mga opisyal at kulang na suporta para sa mga frontline

personnel gaya ng mga tanod, barangay health workers, at miyembro ng Lupon Tagapamayapa.

Dahil dito, nalilimitahan ang kanilang pagbibigay ng serbisyong panlipunan at humihina ang lokal na pamamahala.

Sa layuning tugunan ang mga kakulangang ito, umani ng malawak na suporta sa grassroots level ang HB 9400. Nakapaloob din sa panukala ang pagtatatag ng Barangay Affairs and Development Commission na mangangasiwa sa makatarungang distribusyon ng pondo, pag-standarize ng suweldo ng mga opisyal ng barangay, at pagbibigay ng pangmatagalang pagsasanay at kapasidad.

Ang mas malawak na adbokasiya ni Marcoleta sa batas—na nakatuon sa episyente at makataong pamahalaan, at pagbibigay-kapangyarihan sa mga nasa laylayan — ay lalo pang nagpapatibay sa tiwala ng mga lider-barangay.

Para sa marami sa kanila, ang pagkakaroon ni Marcoleta ng puwesto sa Senado ay mahalagang hakbang para maisakatuparan ang matagal nang inaasam na reporma sa lokal na pamahalaan.

Inaasahang magreresulta ang malawakang suporta ng mga barangay sa solidong boto mula sa mga pamayanang ito sa darating na halalan, dala ng paniniwalang mahalaga ang mga panukala ni Marcoleta para sa mas matatag at mas responsableng lokal na

pamahalaan. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …