PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAGSISIMULA na rin sag May 4 ang 2025 Okada Manila Motorsport Carnivale event na collaboration project ng mga champion racer na sina Jomari Yllana at Rikki Dy-Liacco.
“Gusto lang naming ibalik sa mapa ng motorsport ang bansa. We have been doing this for a while, but this time, mas legal na, may mga maayos na sponsors, at participants na gaya namin ay nag-a-advocate rin ng safe driving,” pahayag ng mga kapwa uragon na Jom at Rikki.
Ka-tie up nila ang pinaka-sikat na hotel casino sa bansa na Okada na naniniwala rin sa kanilang advocacy.
After May 4 na gaganapin sa Parañaque City, masusundan ito sa May 30 at sa June 21-22.
“We invited celebrities and car racers nationwide na sasabak sa aming Super Car, Muscle Car and Vintage Car categories. Simply exciting ‘di ba,” hirit pa nina Jom at Rikki.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com