Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Nandito Lang Ako 

Nandito Lang Ako ni Jojo 10 million + na ang collective views

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si Jojo Mendrez dahil ang latest single niya na Nandito Lang Ako, mula sa Star Music at sa komposisyon ni Jonathan Manalo ay may 10million+ collective views on all social  media platforms. 

Kaya naman masayang-masaya ngayon ang tinaguriang Revival King ng music industry. 

Post nga niya sa kanyang Facebook“10 million views and counting!!! Thank you very very much! Praise God for your continuous blessings to me despite the people who did nothing, but depise ad underestimate my abilities.”

O ‘di ba, hugot kung higot sa kanyang post si Jojo? At least, sa kabila ng mga panghuhusga sa kanya, sa kabila ng may mga taong minamaliit ang kanyang kakayahan, hindi siya nagpapatinag. 

Hayan nga at bongga ang kanyang singing career. Marami ang nagmamahal at sumusuporta sa isang Jojo Mendrez, sa totoo lang.

Hindi  naman kataka-taka kung tangkilikin, at marami ang gustong mapakinggan ang Nandito Lang Ako. Napakaganda naman kasi ng lyrics, ng melody, at ang ganda ng pagkakakanta ni Jojo. Talagang tagos sa puso. Ang sarap tuloy pakinggang ng awitin. 

At bongga talaga ang Nandito Lang Ako, huh! Alam ninyo bang pati sa mga gay bar ay ay pinapatugtog ito? Ito ang ginagamit na music ng mga macho dancer kapag nagsasayaw sila. Talagang in na in ngayon ang Nandito Lang Ako.

Congratulations Jojo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …