Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zsa Zsa Padilla Conrad Onglao

Zsa Zsa maligaya sa simpleng buhay nila ni Architect Conrad

MA at PA
ni Rommel Placente

KAHIT minsan ay may pinagdaanan ang relasyon ni Zsa Zsa Padilla sa longtime partner nito na si Architect Conrad Onglao, nalagpasan naman nila ito at masayang namumuhay sa Farm Esperanza sa Lucban Quezon. 

Madalas maipakita ng singer-actress sa kanyang vlog ang simple pero tahimik niyang buhay kapag nasa probinsiya. Kaya naman nang matanong ang tungkol sa kasal ay wala na raw itong plano. Tama na raw ang maraming taon nilang pagsasama. 

Sey ng singer-actress, okay na sila ni Conrad sa sitwasyon nila ngayon at pakiramdam nila ay  hindi na para sa kanila ang tungkol sa kasal dahil secured naman na sila sa kanilang buhay at kani-kanilang career.  Maayos din ang kanilang pagsasama kahit na walang marriage contract.

Pero kwento niya, gusto ni Conrad na magpatayo uli ng bahay para sa kanilang dalawa at isang beach house. Ngunit mukhang hindi rin ito okay kay Zsa Zsa dahil para sa kanya, okay na ang tinitirhan nila ngayon.

Samantala, ipinagdiriwang ni Zsa Zsa ang kanyang 40 years sa showbiz kaya naman magkakaroon siya ng malaking concert na may titulong Through The Years sa May 17 sa Samsung Performing Arts Theater.

Kasama bilang guests ang mga anak na sina  Karylle at Zia Quizon, pati rin sina  Erik Santos at Gary Valenciano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …