Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kobe Paras Jackie Forster Kyline Alcantara

Jackie kay Kyline: Why do you need to be violent?

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI na nga napigilan ng dating aktres na si Jackie Forster, na magsalita para ipagtanggol ang anak na si Kobe Paras sa hiwalayan nila ni Kyline Alcantara

Lumalabas kasi sa post na tila si Kobe ang nag-cheat kaya naman grabeng pamba-bash ang natatanggap nito mula sa netizens.

Sa video na ginawa niya sa kanyang Instagram, may binasang statement ang mommy ni Kobe.

Ayon kay Jackie, natapos na raw sana ang lahat ng isyu, kung sa simula pa lamang ay may pag-amin na pero hiniling pa ng kampo ni Kyline sa ama ni Kobe na si Benjie Paras na sabihin sa publiko na okay pa sila. 

Ganoon din ang managaer ni Kyline na idineny din ang hiwalayan. 

Dahil daw sa kontrata kaya ayaw pang aminin ng kampo ni Kyline na hiwalay na ang aktres at si Kobe.

Sabi ni Jackie, nagsimulang lumamig ang relasyon nina Kyline at Kobe after ng US trip noong January.

May mga red flag na raw sa anak at sa mga magulang ni Kyline.

Sinubukan pa raw ni Kobe na maayos sila ni Kyline pero may nagawa raw at nasabi rito na “unforgivable.”

Sey ni Jackie,  “Kobe gives his all. He’s generous. He’s kind. He sticks to one but when he made to feel a certain way, he’s done.”

Nagtataka raw si Jackie kung bakit hinahayaan ni Kyline at kampo nito na palabasing cheater ang kanyang anak.

Sinabi rin ni Jackie na si Kyline ang may gustong tumira si Kobe sa place nito.

You let him borrow your car and stay at your place while he was waiting on the condo that he wanted to buy, only for you and your family to belittle him. He was there because you asked, and he stayed because he wanted to try. Trying to make it all work,” ani Jackie.

Isiniwalat din ni Jackie na sinaktan umano ni Kyline si Kobe. Lagi rin daw tsinetsek ng aktres ang cellphone ng anak.

He was already distant. You’re grabbing his phone and you physically assaulted him and in a manner that was provoking. Why? Why would you do that? Why would you put Kobe in that position? Why do you need to be violent?” saad ni Jackie.

You’re allowing Kobe to be painted as the villain. All because he didn’t want to be with you anymore,” dagdag pa niya.

Bukas ang aming kolum sa panig ni Kyline, o  ng kanyang kampo niya para magbigay ng reaksiyon sa mga naging pahayag ni Jackie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …