Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miles Ocampo lumipat na sa All Access to Artists

Kris at direk Bobot naka-alalay lagi kay Miles

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAGING saksi kami sa isang pagkakataon na may importanteng medical procedure na ginawa noon kay Miles Ocampo.

Ikaw ba naman ang samahan at bantayan ni Kris Aquino sa loob ng kung ilang oras dahil sinusuportahan ka niya. Sobra nga kaming na-touched noon kay Tetay lalo’t kasagsagan ‘yun ng kanyang kasikatan bilang multi-media queen.

Sinamahan din siya noon ni direk Bobot Mortiz na itunuring ding tatay-tatayan ni Miles since mag-start siya sa Goin’ Bulilit.

Yes, dalawa lang sila sa masasabi naming mga indibidwal na hanggang ngayon ay naka-alalay kay Miles.

For sure natatandaan ito ni Miles dahil since then to now ay very close pa rin siya kina Kris at direk Bobot. Hindi nga ba’t kahit noong pandemic ay bukod tanging si Miles lang ang isa sa celebrities na may access na maka-paroo’t parito at manirahan sa bahay ni Kris? At ayon pa nga sa mga common friends natin, regular silang nagkakausap at sa sitwasyon ngayon ni Kris ay laging naroon si Miles to support and pray for her ate Kris.

In fact, alam naming well-informed din sina direk Bobot at Kris sa bagong artist house/company niyang All Access To Artist na mangangalaga sa kanyang career, mapa-TV o movies man o kahit mga endorsement.

Naku, for sure, binigyan nila ng advice si Miles at tamang guidance,” sey pa ng mga common friends naming hangang-hanga sa humility at pagiging tahimik lang ni Miles sa klase ng friendship niya kina Kris at direk Bobot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …