Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ian de Leon Nora Aunor

Ian ibinahagi huling mensahe ng ina

MA at PA
ni Rommel Placente

AYON kay Ian de Leon sa panayam sa kanya ng 24 Oras, acute respiratory failure ang ikinamatay ng mommy niya na si Nora Aunor noong April 12.

Technically and clinically speaking the cause of death was acute respiratory failure,” sabi ni Ian.

Nangyayari ang acute respiratory failure kapag hindi na makapaglabas ng sapat na oxygen ang baga patungo sa dugo.

Dahil diyan ay naaapketuhan na rin ang mga organ ng katawan at ito ay unti-unti nang bumibigay.

Ibinahagi rin ni Ian na bukod sa state funeral, wala pa silang ibang detalye tungkol sa mga planong tribute ng gobyerno para sa yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts at binansagang Superstar ng showbiz.

Aside from the state funeral that will be conducted on Tuesday, we’ve spoken kaming magkakapatid. We’re asking for any updates from the local government and so far, wala pa pong official kaming natatanggap,” aniya pa.

Ikinuwento rin ng aktor ang huling sandali kasama si Ate Guy bago iyon pumanaw kamakailan sa edad 71.

Ang huling message niya po sa akin, sabi niya, ‘Anak pakihalik mo ako sa mga apo ko. Hug mo ako sa kanila. Sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila,’” ani Ian. 

Idinagdag pa niyang kasama ng iconic actress ang mga mahal niya sa buhay sa kanyang huling sandali.

Kasalukuyang nakaburol ang labi ng legendary actress sa Heritage Park sa Taguig City. 

Ang public viewing ay isinagawa  noong April 19 at 20 mula 10:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Bukas,  (April 22) naman, pararangalan si Nora sa pamamagitan ng isang state funeral bago 

ilibing sa Libingan ng mga Bayani.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …