Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheryl Cruz

Sheryl sunod-sunod pagkilalang natatanggap

MA at PA
ni Rommel Placente

SUNOD-SUNOD ang acting awards na natanggap ni Sheryl Cruz mula sa iba’t ibang award giving bodies noong nakaraang taon.  

Ang ilan sa mga ito ay ang Outstanding Actress in Drama Series sa 5th Philippine Faces of Success,  Best TV Actress of the Year sa Gawad Dangal Awards, Best TV Actress of the Year sa 9th Asia Pacific Luminare Awards, Distinct TV Actress of the Year sa  Distinct Men & Women of Excellence,Most Outstanding Actress of the Year sa Global Excellence Leadership Awards, at Actress of the Year & Hall of Fame sa Diamond Excellence Awards, na ginanap sa Okada Manila noong December 8, 2024.

At hindi pa rin naawat si Sheryl sa pagtanggap ng acting awards, huh! Ngayong taong ito, ay ratsada pa rin siya sa recogniton.

Noong Jan 2025 ay pinarangalan siya ng Asia-Pacific Topnotch Men & Women Achievers bilang Best TV Actress of the Year.

At noong Feb 28, 2025 ay itinanghal siya bilang Outstanding Actress in Film & Television sa  Global Trends Business Awards.

Noong March 29, 2025  ay tumanggap siya ng award sa Topnotch Men & Women bilang Best TV Actress of the Year na ginanap sa Calamba Laguna.

April 5 ay pinarangalan naman si Sheryl ng The Global Filipino Icon Awards 2025  bilang Lifetime Excellence in Acting and  Musical Performance Award. Ang awarding ceremony ay ginanap sa  Dusit Thani Dubai.

Kaarawan ni She noong April 5 kaya isang napakagandang birthday gift ang pagkilalang natanggap.

At noong April 10 naman ay hinirang siya bilang Asia’s Outstanding TV Actress of the Year sa 2025 World Class Excellence Japan Awards na ginanap sa Heritage Hotel, Manila.

At dahil nga sunod-sunod ang acting awards na natanggap ni Sheryl, kaya naman next month ay tatanggap siya ng awards sa The Asia-Pacific Topnotch Men & Women Achievers 2025bilang Topnotch Grandslam TV Actress of the Year.

O ‘di ba, bongga si Sheryl, our congratulations.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …