Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano

Maricel may spine arthritis kaya iika-ika maglakad

MA at PA
ni Rommel Placente

ILANG araw din pinagpiyestahan ng ibang netizens ang kalagayan ni Maricel Soriano. Sa bonggang post birthday celebration kasi nito last April 8 ay marami ang nagulat kung bakit nahirapang maglakad mag-isa at kinailangang akayin ng dalawang tao. 

Halos hindi siya makatayo at laging nakaupo. 

Iba’t ibang espekulasyon ang lumabas at ang kanyang fans ay nag-alala sa kung anong sakit niya. Hanggang sa mismong siya na ang naglinaw ng pinagdaraanang sakit sa pamamagitan ng kanyang youtube channel. 

Siya pala ay may spine arthritis. Masakit daw ang buong likod niya hanggang leeg. Ine-injection-an naman siya ng streoids sa spine, pero matagal mawala kaya iika-ika siya sa kanyang birthday celebration. 

Masakit din daw ang kaniyang mga paa na parang may tumutusok-tusok. 

On top of it, may pinched nerve rin siya at  hereditary ito dahil ang kapatid na si Bec ay may parehong nararamdaman din. 

Gagaling naman daw ang kanyang sakit.  

Payo nga raw sa kanya na magpaopera para matapos na ang sakit pero tinitingnan pa ang ibang paraan para hindi na umabot sa surgery. 

Ayaw kasi niya dahil minsan na siyang na-caesarian.  

Operation is not a joke,” biro niya. 

Nagte-theraphy naman na ang Diamond star. 

Naglalakad-lakad sa swimming pool na ipinayo sa kanya bukod pa sa pag-i-exercise araw-araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …