Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kenneth Hizon Kathryn Bernardo

Crush ni Kathryn na si Dr Kenneth aminadong biglang sumikat

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HINDI naman siguro sumasakay si Dr. Kenneth Hizon sa nakalolokang pagpapakilig ng netizen.

Matapos kasing mag-viral si Kathryn Bernardo nang banggitin niyang first crush ang isang Kenneth noong Grade 2 siya sa isang school sa Nueva Ecija, napakabilis ng netizen sa paghahanap kung sino ito.

At sa napanood naming interview ng TV5 sa isang Dr. Kenneth Hizon, naikuwento nga nitong magkaklase sila ni Kath dati. Medyo na-overwhelm daw siya sa balita lalo’t naging biglang sikat siya pero ayaw din niyang kompirmahing siya na nga ‘yun, dahil baka may iba pang Kenneth.

Pero dahil noong Grade 2 nga ang sinabi ni Kath at sila ang magkaklase, happy naman siya sa nalaman.

Then bigla rin niyang sinabi na ‘first crush’ din niya si Kath dahil maganda at bright ito sa school at minsan din niyang kinagiliwan.

Kaya naman ang mga fan at supporter ni Kath ay kinilig at tila may mga gagawin daw na hakbang para ire-connect sila at magre-start from there.

Malay nga naman natin kung may something nga ang tadhana sa kanila lalo’t 30 ay single pa rin ang doktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …