Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shamcey Supsup Ara Mina

Shamcey kumalas sa partido; Ara tahimik

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City.

Bunsod ito ng sunod-sunod na pangyayari na ayon sa dating Miss Universe-Philippines President ay taliwas sa kanyang prinsipyo at adbokasiya para sa mga kababaihan at kabataan.

Hindi man binanggit pero ang lahat ng nakatutok sa balita kasama na kami ay naniniwalang dahil ito sa kagaspangan ng ugali at kakaibang paraan ng pananalita ng isang abogadong kandidato na kasama nila sa team.

Ang abogadong tinutukoy ay iyong tinawag ang pansin ng mga babaeng hiwalay sa asawa o matagal ng “tigang” para makasiping sa kanya.

Nakakaloka pero mas lumala pa ito nang ipakilala sa stage ang babaeng staff na malaki ang pangangatawan na aniya, hindi niya magagawang sipingan dahil hindi niya tipo ang ganoon plus kumpare niya ang asawa niyon.

Nakkaimbyerna ang mga ganitong kandidato kaya hinangaan ng marami ang naging desisyon ni Shamcey.

Ang tanong, si Ara Mina kaya na sa isang video ay nakita pang nasa likod niyong abogado habang nag-iimbita ng mga kababaihan ay mag-resign na rin o ‘di naman kaya’y magbigay man lang kanyang pahayag?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …