PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
ANG sarap magka-edad sa industriyang ito kung may gaya nina Sid Lucero at Kiko Estrada na marunong kumilala sa mga inabutan nilang gaya namin. Nakabibilib ang pagiging grateful and respectful nila.
Ang bongga tuloy mag-recall ng mga past encounter, interview moment, set visits at parties kasama ang magagaling at gwapong mga aktor na ito.
Sa mediacon ng Lumuhod Ka Sa Lupa para sa last four weeks airing nito sa TV5, nakabibilib ang pagiging marespeto ni Kiko sa pag-acknowledge sa mga taong para sa kanya ay naging instrumental sa pagka-artista.
Mula sa mga big boss ng Viva Entertainment at TV5, producers and director, co-actors and televiewers, espesyal na pinasalamatan ni Kiko ang mga “naabutan” niyang showbiz friends.
“I grew up with you guys. Since magka-isip ako at pasukin itong showbiz, nandiyan na kayo, always supporting and there to guide,” bahagi ng pasasalamat nito.
Doble ang excitement ni Kiko dahil kahit nalalapit na ang pagtatapos ng series after a year of airing, feeling niya na may bago siyang mga kapamilya kina Sid, Gardo Versoza, Rhen Escano, Ryza Cenonat iba pang kasama sa series.
Sa pagpapasalamat pa ni Kiko, hindi niya nakalimutang banggitin ang mga yumao nang sina Rudy Fernandez (na nagbida sa movie version), direk Carlo Caparas (writer ng Lumuhod…), at ang lolo niyang si Paquito Diaz, na sana nga raw ay buhay pa at napanood siya sa series.
“My family, my best buddy,” paglalarawan naman ni Kiko sa itinuturing niyang kuya na si Sid, na isa nga sa rason kung bakit inspired siyang maging action star.
“With Tim (real name ni Sid is Timothy), I feel na marami pa akong matututunan as an actor. He is very generous, giving and a supportive and dear friend,” sey ni Kiko.
Sa kabilang dako, ibinalik naman ni Sid ang praises ni Kiko dahil aniya, “he deserves to be a big star. Mabait na bata, mahusay makisama, committed and a dedicated actor.”
Hindi nila mami-miss ang isa’t isa dahil after nga ng last four weeks ng Lumuhod Ka sa Lupa, muli silang magkakasama sa isa pang action-packed series sa TV5 na muling pagbibidahan ni Kiko.
“For now, let’s enjoy first the remaining month of ‘Lumuhod..’ Marami pang revelations at sa mga nakatutok talaga, you know guys when I say na worth ang bawat episode. May luluhod talaga sa ending,” sey pa ni Sid.
Lagi kaming masaya every time na nagkikita nitong si Sid. At kahit nagpi-feel old na kami, we are always reminded of how wonderful he is at ang pamilya niya.
Minsan din kasi kaming naging “yayo” nitong si Sid when he was five or six years old. Yes mga ka-Hataw, noong iskolar kami ng mga namayapa niyang lolo at lola (UP Diliman in the late 80’s), madalas namin siyang alagaan kapag dinadala siya ng parents niyang sina Bing Pimentel at yumaong Mark Gilsa “orchidarium” nina tita Lita at tito Marcial Pimentel.
Grabe, pero parang kailan lang hahaha!