Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MLWMYD ng KimPau kumita ng P12-M sa unang araw pa lamang na ipinalabas

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG  pumasok si Kim Chiu kasama ang ka-loveteam na si Paulo Avelino sa Bahay Ni Kuya last week, nagbigay siya ng payo sa mga housemate bilang siya ang isa sa pinakamalaking artista na produkto ng nasabing reality show.

Si Kim ang itinanghal na Big Winner sa PBB Teen Edition noong 2006.

Payo ni Kim ay huwag matakot mangarap ang mga housemate. Importante rin ang pakikisama. 

Dahil lahat ng housemates ay may kanya- kanyang ugali, learn to compromise, sabi pa niya. 

Kapag may problema raw sa ibang housemates ay makipag-usap ng masinsinan. Magpakatotoo lamang.

Ang payong ito ni Kim ang nagdala sa kanya kung nasaan man siya ngayon.

Aminado si Kim na bago siya pumasok sa showbiz, wala siyang alam. Hindi marunong umarte, kumanta, at sumayaw pero dahil sa pursigido siyang matupad ang pangarap ay sinikap niyang matutunan ito.

Speaking of KimPau, sa panayam sa kanila ni ni MJ Felipe ay tinanong nito si Kim, kung totoo bang ipinagpatuloy nitong halikan si Paulo sa pelikula nilang My Love Will Make You Disappear, kahit nagsabi na ang kanilang direktor na si Chad Vidanes ng cut.

Hindi ko narinig kung cut o hindi?” sey ni Kim

Sey naman ni Paulo, “Kami naman ni Kim sumusunod lang sa sinasabi ng direktor namin at sa script.”

Samantala, ang MLWMYD ang pinakamalakas na pelikulang Filipino sa takilya ngayong 2025. 

Kumita ito ng P12-M sa unang araw pa lamang na ipinalabas ito.

Congrats KimPau.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …