Thursday , April 3 2025
Elections

Kampanya sa eleksiyon maigting, mapangahas, palaban

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PORMAL at opisyal nang magsisimula today, Friday ang local campaigning para sa mga tatakbo sa May election.

‘Yung mga naunang kampanya kasi ay hindi pa regulated ng Comelec kaya asahan nating mas maigting, mapangahas, at palaban ang mga magbabanggaang kandidato sa local level.

Sa Marikina ay tila mayroong silent martial law dahil suspendido ang mayor dito at pinalitan ng isang konsehal para lang magtuloy-tuloy ang serbisyo sa mga tao.

Sa Manila naman ay bonggang magbabanggaan ang mga partido nina Yorme Isko Moreno at mga kaalyado kontra mga partido nina incumbent mayor Honey Lacuna at isa pang makikipagtunggali. Ang grupo ni Sam Verzosa ay naninindigan bilang kanilang pambato kahit pa nga hindi kompleto ang line-up nito.

Sa Batangas province ay patuloy sa pag-arangkada ang tropa nina Vilma Satos-Recto, Luis Manzano, at Ryan Christian Recto mereseng maraming mga echoserang nagpipilit silang tibagin. 

Asahan na po natin na magiging piyesta araw-araw sa napakaraming lugar sa bansa dahil sa mga ganitong kaganapan kaya’t higit tayong mas maging mapanuri at maingat.

About Ambet Nabus

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Yohan Castro Vehnee Saturno

Yohan Castro balik-showbiz, patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AFTER two years ay itinuloy ni Yohan Castro ang kanyang …