Wednesday , April 2 2025
Vilma Santos

Ate Vi tinutuligsa ng isang nagpipilit magkaroon ng showbiz connection

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAPANSIN-PANSIN ang sobrang pagpipilit magkaroon ng showbiz connection itong politikong mula Batangas na kalaban ng ating Star for All Seasons, Vilma Santos-Recto sa pagka-gobernador.

Sa isang video na napanood namin, ang lakas ng loob na tawaging “laos” si Ate Vi kaya raw hindi siya natatakot dito. 

“Kung si Nadine Lustre pa iyan o si Kathryn Bernardo, baka matakot pa ako,” ang sambit ng hindi naman mukhang comedian na politiko.

Hindi na namin idedepensa ang kasikatan ng isang Vilma Santos, dahil very obvious na wala namang alam iyong politikong kumakalaban sa paggamit niya ng salitang ‘laos.’

Kung akala niyang sisikat siya dahil sa binabanatan niya sa ganoong level ang isang Vilma, nagkakamali ka po G. Jay Ilagan. Hindi tama ang manlait ng kapwa, pero susme kuya, may mga nagawa ka ba para maikompara mo ang sarili at ihilera kina Nadine at Kathryn? Baka kahit taga-paypay nila ay hindi ka tanggapin.

About Ambet Nabus

Check Also

Marco Adobas TNT Showtime

TnT Grand Resbak contestant tsinugi, posible pang kasuhan

MA at PAni Rommel Placente DINISKWALIPIKA ang isang contestant sa Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak …

MLWMYD ng KimPau kumita ng P12-M sa unang araw pa lamang na ipinalabas

MA at PAni Rommel Placente NOONG  pumasok si Kim Chiu kasama ang ka-loveteam na si Paulo Avelino sa Bahay …

Marianne Bermundo The Philippine Young Faces of Success

Marianne Bermundo wagi sa Philippine Young Faces of Success 2025

MATABILni John Fontanilla PAREHONG wagi sa katatapos na The Philippine Young Faces of Success 2025 ang mag-inang Virgie …

Alden Richards VIVA

Alden tutuparin pangarap na maging piloto

MATABILni John Fontanilla ISA pala sa matagal ng pangarap ng Kapuso actor Alden Richards  at ng …

Cecille Bravo Pete Bravo Philippine Faces of Success

Businesswoman, Philanthropist Cecille Bravo inspirasyon pagkilalang iginawad ng Philippine Faces of Success

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang taunang pagbibigay parangal ng Best Magazine na ngayon ay nasa ikaanim na …