Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Nandito Lang Ako 

Nandito Lang Ako ni Jojo Mendrez pwedeng maging themesong ng teleserye

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPAKINGGAN na namin ang latest single ng Revival King na si Jojo Mendrez titled Nandito Lang Ako mula sa Star Music nang kantahin niya sa mediacon para sa nasabing awitin.

In fairness,ang ganda ng lyrics at melody ng Nandito Lang Ako. Siyempre, ang sumulat ba naman kasi nito ay ang award- winning composer na si Jonathan Manalo.

And in fairness din kay Jojo, ang ganda ng pagkakakanta niya ng Nandito Lang Ako. Punompuno siya ng emosyon. At bagay sa boses niya ang song, sa totoo lang. Ang sarap tuloy pakinggan ng kanta. At pwede itong maging themesong ng isang serye, huh!

Happy and proud si Jojo na nagawan siya ng song ni Jonathan.

 “Sobrang nerbiyos ko kasi ayaw kong mapahiya sa kanya. Sobrang laki ng pangalan niya, Jonathan Manalo, so, proud ako na mayroon akong kantang galing sa kanya,” sabi ni Jojo.

Bago ini-record ni Jojo ang Nandito Lang Ako ay nag-take siya ng tranquilizer.

Nagtake talaga ako ng tranquilizer the first na nagkita kami during the recording session.

“Kasi kailangan nasa kondisyon ang boses mo kasi mahirap ‘yung kanta medyo complicated ‘yung song.

“Kasi pabago-bago ‘yung tono, tapos pataas ‘yung dulo kaya sabi ko baka mapahiya ako. Pero napaka-pasensyoso niya kasi may time na nagkakamali ako naka-smile pa rin siya sa akin. Kaya thank you kay Jonathan Manalo,” aniya pa.

Sa nasabing mediacon ni Jojo ay present sina Jonathan at Roxy Liquigan, Head ng ABS-CBN Star Music para suportahan ang bago nilang artist.

Sabi ni Jonathan, “I’d like to congratulate Jojo at ‘yung ginawa kong kanta at nag-ask sa akin si Jojo na sumulat ng original song for him at sinasabi ko na hindi ito galing sa baul o matagal ko nang naisulat at ibinigay ko sa kanya.

“This is a song (Nandito Lang Ako) na intended for Jojo, simply gusto ko na ‘yung magso-showcase sa voice niya and ‘pag napakinggan ninyo ay lumabas talaga ‘yung natural voice niya at ‘yung message ng kanta.”

Ang Nandito Lang Ako ay pwede nang i-down- load sa Spotify at sa lahat ng streaming platforms. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …