Sunday , March 30 2025
Buboy Villar Khrizza Mae Sampiano

Isay sagot sa mga dasal ni Buboy

MA at PA
ni Rommel Placente

SA podcast ni Tuesday Vargas na Your Honor na birthday episode ni  Buboy Villar, ini-reveal niya na may bago na siyang jowa, si Khrizza Mae Sampiano o Isay, at may isa na silang baby, si Kyruz o Kyriena 3 month old na.

Ayon kay Buboy, nagsimula ang love story nila ni Isay nang i-message niya ito online.

At ang baby nila ay bininyagan na rin nitong weekend, na kabilang sa tumayong ninong at ninang ng bata ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young

Natanong si Buboy kung ano ang pinaka-major requirement niya sa muling pagpasok sa isang relasyon.

“Number one rule ko talaga, siyempre may mga anak ako. At pinakagusto ko talaga, bago ‘yan, bago mo ‘ko mahalin, gusto ko lang sana maintindihan mo ‘yung sitwasyon ko.

“Mayroon akong dalawang mga anak at kailangan mas mahal mo sila, kasi sila ang buhay ko. Ngayon, ‘pag hawak mo ang buhay ko, hawak mo rin ako.

“Hahawakn kita hindi sa para sakalin, hahawakan kita at aalagaan kita hangga’t sa makakaya ko,” aniya.

Itinuturing ni Buboy na answered prayer at “blessing in disguise” ang pagdating ni Isay sa buhay niya after seven years of being single.

First time ko maranasan na, siya lang ‘yung parang laging nakikinig sa ‘kin. Parang ako pa nga ‘yung nagsasabing, ‘may gusto ka bang i-share sa ‘kin?

“Kaya siguro rin, Madam Chair (Tuesday), aaminin ko rin, kaya kami biniyayaan ng isang sanggol. Kaya kami nagkaroon ng baby din,” rebelasyon ni Buboy.

Talaga raw inilihim muna niya ang tungkol sa bago niyang pamilya, “Ayoko ‘yung parang mapangunahan siya ng mga tao, kasi alam mo naman, may social media, ang daming magagaling.

“Parang, kung alam mo ‘yung pinanghahawakan namin ngayon, masaya na kami roon. Hindi na kailangan mandamay pa ‘yung ibang tao, manghimasok na ‘yung ibang tao,” dagdag ng komedyante.

“Proud ako. Proud ako sa karelasyon ko. Proud ako sa baby namin. Proud ako na mahal niya kami, mga anak ko,” sabi pa niya.

Sinorpresa rin ni Isay si Buboy sa programa with matching birthday cake, “Happy birthday, Dy. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi ikaw ‘yung ibinigay niya sa ‘kin.”

Hirit pa niya kay Buboy, “And sana bawasan mo na ‘yung pag-iinom mo. Lagi lang ako naka-support sa ‘yo through ups and downs, alam mo ‘yan.”

About Rommel Placente

Check Also

Kathryn Bernardo sexy 2

Kathryn’s sexy photos orig at ‘di peke, pinagpipistahan

I-FLEXni Jun Nardo TUMODO sa kaseksihan at 29 si Kathryn Bernardo na pinagpipistahan ngayon sa social media …

Elections

Kampanya sa eleksiyon maigting, mapangahas, palaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PORMAL at opisyal nang magsisimula today, Friday ang local campaigning para …

Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Management ni Jojo Mendrez umamin sinakyan pag-uugnay kina Mark, Rainier

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA last presscon ng tropa ni Jojo Mendrez kaugnay pa rin ng mga …

Vice Ganda Ion

Garage sale nina Vice Ganda at Ion pinagkaguluhan 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DINAGSA ang garage sale nina meme Vice Ganda at Ion Perez na nagsimula kahapon at …

Kathryn Bernardo sexy

Kathryn mala-super model at beauty queen ang awrahan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KATHRYN Bernardo at 29! Sobrang seksi at very mature na ang …