MA at PA
ni Rommel Placente
EMOSYONAL ang naging pag-alala ni Gladys Reyes sa ika-70 kaarawan sana ng namayapang ama, si Sonyer Reyes last March 12, 2025.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, ibinahagi ni Gladys ang ilang litrato nila ng ama, kasama pa ang ilan pang miyembro ng kanilang pamilya.
Ayon kay Gladys, ilang taon ng wala ang kanyang tatay pero sariwang-sariwa pa rin ang magagandang alaala nito sa kanilang isip at puso.
Ang caption ni Gladys sa kanyang IG post, “Remembering our father, Papa Sonyer’s birthday. He would have been 70 today.
“He passed away when he was 66, it’s been 4 years and we terribly miss his presence, everything about him.
“He is the most faithful man that I know, faithful to his family and his faith in God is admirable.
“We will always remember and love him,” ang mensahe pa ni Gladys para sa namayapang ama.