Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
McCoy de Leon In Thy Name

In Thy Name maraming eksenang nakagugulantang; McCoy emosyonal 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ANG ganda ng technical effects ng In Thy Name, na sinamahan pa ng mahuhusay na pagganap ng mga bida rito sa pangunguna ni McCoy de Leon.

Ito nga ‘yung kwento ng pag-abduct kay Fr. Rhoel Gallardo ng Abu Sayyaf group sa Basilan at ang matatawag nating “harrowing” experience niya at iba pang hostage sa mga kamay ng teroristang grupo.

Bongga ang mga direktor na sina Caesar Soriano (biktima rin ng abduction) at Rommel Galapia Ruizdahil napakalinis ng kanilang pagkakalahad ng istorya. 

Gandang-ganda kami roon sa encounter scenes ng mga terorista at ng military dahil talagang na-feel naming ganoon ang naganap.

R-16 ang rating ng movie dahil marami talagang mga eksena na nakagugulantang, gaya ng pagsabog ng mga ulo, madugong pagputol ng mga bahagi ng katawan,  patayan etc..

Bagay kay McCoy ang papel bilang si Fr. Rhoel. Very dedicated at totoo sa kanyang faith bilang paring Katoliko.

Nakagugulat din ang pagka-hayop depiction nina JC de Vera at Mon Confiado bilang mga Abu Sayyaf leader na dikit na dikit din ang ‘faith’ sa pagka-Muslim nila. 

Kasama rin nila sa movie sina Yves Flores, Jerome Ponce, Alex Medina, Aya Fernandez, Soliman Cruz at may espesyal na role sina John Estrada, Richard Quan, Pen Median, Martin Escudero, Ynez Veneracion at marami pang iba.

Showing na ang In Thy Name sa mga sinehan nationwide at nagdarasal talaga kami na masuportahan at mapanood ito ng marami dahil bukod sa teknikal na ganda ng movie, napaka-tapang ng presentation ng kwento. Ang huhusay ng mga aktor at maganda ang mensahe at inspiring ang kwento ng faith and hope ni Fr. Rhoel. Ang Viva Films ang nag-release nito.

Congratulations!

Sa kabilang banda, hindi nakapagtatakang makitang emosyonal si McCoy after ng matagumpay na screening ng In Thy Name last Tuesday sa SM North Edsa.

In attendance ang lahat ng involve sa movie at bongga rin ang support ng mga pari (mostly from Claret School), madre, mga opisyal ng Armed Forces, producers at iba pang guests.

Emosyonal din ang parents ni McCoy sa bagong kasikatan ng anak nila na matatawag nang isang leading man.

Grabe ‘yung transition ng pagka-aktor ni McCoy dahil sa pamosong Batang Quiapo sa TV, kinamumuhian siya ng mga manonood bilang si David habang dito sa In Thy Name naman ay kaaawaan natin siya bilang isang martir na paring si Fr. Rhoel.

Hindi namin namataan si Elisse Joson, pero may nakapagbulong sa amin na nanood iyon. For sure, proud na proud si Elisse sa husay ni McCoy.

Again, palabas na po ang In Thy Name na sana talaga ay dagsain ng mga manonood dahil sa ganda ng tema at pagkakagawa nito nina direk Ceasar at Rommel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …