Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iza Calzado Deia Amihan

Iza may takot sa pagpasok ng anak sa showbiz

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY takot na nararamdaman ang award-winning actress na si Iza Calzado kapag naiisip niya ang pagpasok ng kanyang anak na si Deia Amihan sa mundo ng showbiz.

Sa panayam sa kanya ng  Fast Talk with Boy Abunda, inisa-isa ni Iza ang ilan sa mga maaaring mangyari sa kanyang anak sa showbiz, kabilang na ang posibleng pananamantala ng ibang tao.

Sabi ni Iza, “Ang dami kasing posibilidad. Puwedeng, let’s say, hindi rito sa Pilipinas, wala ang protection ko. Let’s say lang. Somebody taking advantage of her, somebody powerful, these are all possibilities. Or her getting so lost in the lifestyle.

“And, you know, these are possibilities. But, hindi ko kasi siya talaga iniisip Tito Boy, masyado.

Patuloy niya, “Kasi my prayer is this. Because I cannot stop life from happening for her. Not just to her. Life happens for us for a reason. To develop us.

“My prayer is for God to keep her strong. For her to be resilient. So that whatever happens in life, wherever life takes her, babangon at babangon siya,” sabi pa ng celebrity mom.

“Kasi hindi natin po mapipigilan ang kung anuman, ang baraha, ang pag-ikot ng mundo. And my prayer is that she does things with the lightness of being that I got from my father and that I have inside me. Despite the struggles, have that lightness of being,” dagdag pa ni Iza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …