Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Kim Chiu

Vice Ganda ibinuking ni Kim, nagka-dengue

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI aware ang publiko na nagka-dengue si Vice Ganda, kung hindi pa ibinisto ni Kim Chiu.

Sa noontime show nilang It’s Showtime, rito sinabi ni Kimna nagka-dengue ang Unkabogable Star.

Tawa lang nang tawa si Vice sa pambubuking sa kanya ni Kim dahil secret lang dapat ang pagkakasakit niya dahil wala naman siyang balak ipaalam ito sa publiko.

Pero hindi pa rin nagpapigil si Kim at itinuloy pa rin ang pagkukuwento. 

Sey ng aktres, talagang nag-report pa rin si Vice sa It’s Showtime kahit na hindi na maganda ang pakiramdam.

Sabi pa niya sa kaibigang komedyante, mabuti na raw  ay okey na ito ngayon.

Natatawa namang sabi ni Vice, “At  talagang in-out mo na nagka-dengue ako!” 

Hirit naman ng co-host nila sa programa na si Darren Espanto, dapat hanggang GC o group chat lang  ang tungkol sa naging karamdaman ni Meme Vice.

Sa huli, nagbigay naman si Vice ng advice sa madlang pipol na mag-ingat at palaging ingatan ang kalusugan at siguruhing palaging hydrated para makaiwas sa anumang uri ng sakit.

At least, si Vice kahit may dengue, pumasok pa rin sa It’s Showtime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …