Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Gabby bibigyan ng relo si Sharon — para lalo siyang ma-inspire magpapayat at magpa-seksi

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PERFECT example talaga si Gabby Concepcion sa health slogan ng mWell, “healthy is the new handsome.”

Sa paglulunsad sa aktor bilang health and wellness champion ng mWell, very healthy ang naging session with papa Gabo, lalo’t sinamahan siya ng kanyang mga loyal fan  since way back.

Grabe pa rin ang mga tilian at sigawan ng mga ito lalo kapag nababanggit si Sharon Cuneta sa usapan.

“Abangan ninyo ‘yung ireregalo kong mWell power watch,” sagot nito nang tanungin namin ito kung sa tingin niya ay mas lalong na-inspire magpapayat at magpa-seksi si mega after niyang bigyan ng ‘singsing.’

“Malamang, pero makukompleto ‘yun kung may ka-partner na power watch,” sey pa ni papa Gabby.

Ang mga singsing at watch ay ilan lamang sa mga produkto ng mWell na nakapagmo-monitor ng blood pressure, heart rate, at iba pang health metrics pati na ang pagkakaroon ng sound sleep, na mahahalagang bagay sa kalusugan ng isang tao.

Nagpa-raffle rin si Gabby ng ilang mga mWell products kasama na ang watch, at ang ilan sa kanyang mga personal na gamit gaya ng t-shirts at sumbrero.

“Nalabhan at mabango naman ang mga iyan, personal kong ibabahagi sa inyo,” ang nagpakilig pang mga salita ni Gabby sa fans niya.

Hindi pa muna masusundan ang Dear Heart concert nila ni Sharon this year dahil committed siyang tapusin ang isang teleserye sa GMA 7 hanggang November this year.

But we will see each other more often kapag may libre sa taping para sa ganitong mga health session with mWell,” deklara nito na parang isang doktor na nagbabahagi ng kanyang kaalaman sa health and wellness.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …