Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lino Cayetano Alan Peter Cayetano Lani Cayetano Pia Cayetano

Direk Lino umaasang ieendoso ng mga kapatid na sina Sen Alan at Pia

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ANG kasabihang “blood is thicker than water” ang tila hinahamong salita ng observers sa politika na nakakakita ng mga ‘naiipit’ sa sitwasyong naglalaban-laban ang magkakapamilya.

Iyan din ang ninanais ni direk Lino Cayetano mula sa kanyang mga kapamilya lalo na mula sa Alan Peter at ate Lani, pati na sa isa pang kapatid na senador, si Pia.

Tumatakbo kasing independent candidate para sa unang distrito ng Pateros-Taguig ang matatawag ding showbiz person na si direk Lino, na minsan na ring naging mayor ng Taguig.

At the end of the day naman po ay magkakapamilya kami. Right now, nagkaka-usap naman kami pero hindi po kami magkaka-away. Talaga lang may mga bagay-bagay sa politika na naiipit kahit ang magkakapatid. Pero ‘yun nga po, wish ko na kahit sa huling sandali ay ma-endorse ako ng mga kapatid ko,” ang tila may hinanakit o lungkot na pahayag ni direk Lino.

At dahil laking showbiz nga rin si direk Lino bilang producer at direktor at may panahon pang nagkaroon siya ng jowang taga-showbiz noon, “malaki po ang utang na loob ko rito.”

Masaya ang buhay may-asawa ngayon ni direk na napangasawa nga ang isang kilalang volleyball player from Ateneo, si Fille Cainglet.

All out support siya siyempre at gaya ng showbiz na mahal na mahal ko, may mga gusto rin siyang programa sa sports na nais na ipagawa sa akin once na suwertehin nga tayong makaupo sa Kongreso,” dagdag pa ni direk Lino.

Very honest si direk Lino sa kanyang mga pahayag at nais na mangyari sa pagsisimula ng kampanya.

Mga plataporma sa kabuhayan, environment, entertainment, sports, at  edukasyon ang mga pangunahing programa na gusto niyang bigyan pa lalo ng pansin.

Goodluck po future Congressman Lino Cayetano from Taguig.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …