Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 44)

WALANG IBIG TUMESTIGO PARA ITURO ANG MGA PUMASLANG KINA TATAY LANDO AT ATORNI LANDO JR.

Binalaan daw sina Tatay Lando at Atorni Lando Jr. ng opisyal ng sundalo na “Tumigil na kayo bago pa ako mismo ang tumapos sa kahibangan n’yo.”

“Paglaban ba sa pamahalaan ang paghahayag ng mga katotohanan na tinatalikuran ng mga nasa kapangyarihan dahil kasalungat ng kanilang mga interes?” ang sabi pa ng matandang babae.

Ang masakit pa kay Nanay Melba, walang  ibig tumestigo sa naganap na pamamaslang. Pati nasakyang tricycle driver ng mag-ama ay tikom ang bibig sa takot na madamay. Ayaw magsalita kung sinu-sino ang mga berdugo ng anak at asawa nito.

“Nasa morge pa ng punerarya ang bangkay ng mag-ama,” pinahid ni Nanay Melba ng puting panyo ang nangingilid na luha sa sulok ng mga mata. “Mama-yang gabi pa ilalagak ang kanilang mga labi sa simbahang Katoliko sa bayan.”

Dala ng pinapasang mga problema, alam ni Delia na hindi nito masisilip man lang ang burol ng mag-amang Tatay Lando at Atorni Lando Jr. Sa matamang pakikinig ng maybahay ni Mario  sa tani-tanikalang mga hinagpis  ng matandang babae, kahit paano’y naipadama nito ang taos-pusong pakikiramay at pakikisimpatiya.

“Sa akala ba ng mga nasa kapangyarihan, mapipigil nila ang daing at panaghoy ng nagdurusang mamamayan sa pamamagitan ng mga pagpatay?

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …