Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yilmaz Bektas Ruffa Gutierrez Venice Lorin

Yilmaz tinawag na boss si Ruffa, pinuri ring elegante

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMI na namang netizens ang kinilig matapos makita ang palitan ng komento ni Ruffa Gutierrez at ex-husband nitong si Yilmaz Bektas sa Instagram

Ito ay nang ipost ni Ruffa ang kanyang larawan na may caption na, “Soulful Sunday. Let’s cherish genuine relationships because REAL is RARE, fake is everywhere.”

Sa comment section naman ay makikita ang komento ni Yilmaz.

Elegant,” papuri ni Yilmaz.

Nag-reply naman si Ruffa at sinabing, “@yilmazbktas çok merci! Btw pls call Venice.”

Si Venice ang bunsong anak nina Ruffa at Yilmaz. 

Muli namang sinagot ni Yilmaz si Ruffa at sinabing “@iloveruffag okay boss I will [laughing emoji].”

Marami naman ang natuwa at kinilig sa kulitan ng dating mag-asawa. May ilan pa nga na nagre-request ng “comeback”. 

Sabi pa ng isa, “Muling Ibalik ang tamis ng pag-ibig.”

Hirit naman ng isa kay Ruffa, “Ako lang ba ‘yung kinikilig?”

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na kinagiliwan ng netizen ang kanilang interaction sa social media.

Noong August 2024 ay pinuri rin ni Yilmaz si Ruffa sa kanyang Instagram post na may hawak siyang bouquet of flowers habang nasa Toronto Pearson International Airport.

You look good,” sey ni Yilmaz.

March 2003 nang magpakasal sina Yilmaz at Ruffa ngunit naghiwalay din matapos ang apat na taong pagsasama.

Taong 2012 nang tuluyang ma-annul ang kanilang kasal.

February 2021 nang muling magdesisyon sina Ruffa st Yilmaz na mag-reconnect para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak na sina Venice at Lorin Bektas.

Pero hanggang kilig na lang naman ang  mga netizen dahil sa tunay na buhay ay pareho namang masaya ang mga puso ng dating mag-asawa sa kani-kanilang buhay.  

Tahimik man, June 2024 sa vlog ni Karen Davila ay umamin na rin si Ruffa sa relasyon nila ni Herbert Bautista at boto ang mga anak nila sa aktor. Hindi naman makuwento ang dalawa tungkol sa update ng kanilang relasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …