PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
ALAM marahil ni Regine Velasquez na hindi niya kayang magalit o magtampo kay SB19 member Stell.
Dahil last minute ngang hindi makakasama sa Valentine show ni Regine si Stell, marami ang naloka at nagsabing may ‘something’ sa marketing na hindi agad na-address.
Mabilis kasi ang naging pag-anunsiyo na special guest ni Songbird si Stell kaya’t pumalo raw ang ticket selling ng show. Pero dahil mabilis din ang naging pag-advice na hindi na makaka-join si Stell, bigla rin daw bumaba ang bentahan nito.
Pero maagap din namang nagbigay ng statement si Regine na beyond their control ang naging desisyon ng management ni Stell na mayroon palang previous commitment na kasabay sa sinasabing show with Regine.
In fact, nagpahayag din ng kalungkutan si Stell at humingi pa ng sorry kay Regine na tinanggap naman ng huli at sinabi pang wala itong dapat ihingi ng sorry. Hindi rin daw siya nagtatampo at nauunawaan si Stell na soon ay makakasama rin niya sa ibang pagkakataon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com