PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MATAPOS mabalitaan ang hiwalayang Barbie Forteza at Jak Roberto, naging balita rin ang hiwalayan umano nina Sen. Sherwin Gatchalian at Bianca Manalo.
Although no comment at walang inilalabas na pahayag ang kampo ng senador, pati na rin ang dating beauty queen na si Bianca, marami ang naniniwalang break na nga ang dalawa.
“We saw it coming,” reaksiyon ng ilang malalapit na kaibigan ng senador na noon pa raw nagsasabing hindi nga magtatagal ang pakikipagrelasyon sa aktres-beauty queen.
Sa huling balitang nag-uugnay kay Bianca ng umano’y “friendship” sa dating katrabahong si Rob Gomez, ipinagtanggol pa ito ng senador sa mga mapanirang tsismis.
Pero sa balitang naghiwalay na sila, tila nakabibingi raw ang katahimikan ng mga kampo nila?