Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 43)

DI MAKAPANIWALA SI DELIA SA SINABI NI ALING MELBA NA SABAY PINATAY SINA KA LANDO AT SI ATORNI LANDO

“P-patay na ang anak kong si Juniror. Patay na rin ang asawa ko!” At nangatal ang matandang babae sa pagpipigil ng damdamin. “Sabay na pinagbabaril ang mag-ama ko!”

Sa kuwento ni Nanay Melba, hindi pa nakalalayo ng bahay sina Tatay Lando at Atorni Lando Jr. na sakay ng traysikel nang tambangan sa malapitan ng mga di-nakilalang salarin.  Patay agad ang mag-ama sa dami ng tumamang bala ng kwarenta’y singkong baril sa ulo at dibdib.

Ayon kay Nanay Melba, isang linggo bago naganap ang pamamaslang ay sapilitan munang dinala sina Tatay Lando at Atorni Lando Jr. ng mga sundalo ng AFP na nakabase sa lalawigan.  Pinagsabihan daw doon ng pinakamataas na opisyal ang nakatatandang Lando na tigilan na nito ang paghahasik ng mga makamandag na kaisipan sa mga manggagawa laban sa gobyerno at sa malalaking may-ari ng negosyo. Ang nakababatang Lando, ang manananggol ng mga nabibiktima ng paglabag sa mga karapatang pantao, ay inakusahan namang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga taong mapanggulo sa katahimikan at kaayusan ng lipunan; gaya ng mga manggagawang nag-aaklas, mga kabataang nagdedemonstrasyon sa pagtutol sa pagtataas ng matrikula at nakikipartisipasyon sa mga talakayang pampulitika at pang-ekonomiya ng  bansa, mga tsuper ng dyipni na nagpuprotesta sa tuwing nagmamahal ang gasolina. (Subaybayan bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …