SAMPUNG miyembro ng Department of Health medical team ang isinugod sa ospital nang mabangga ng isang dump truck ang kanilang sinasakyang van sa EDSA Muñoz, Quezon City, ngayong Biyernes ng madaling araw, 10 Enero.
Ayon sa mga awtoridad, pauwi ang medical team matapos magbigay ng serbisyong medikal sa taunang Traslacion nang maganap ang insidente dakong 3:30 ng madaling araw.
Naitala ang higit sa 8 milyong deboto ang lumahok sa taunang prusisyon ng Poong Itim na Jesus Nazareno na tumagal nang 21 oras, anim na oras na mas matagal kaysa noong nakaraang taon.