MA at PA
ni Rommel Placente
BALITA namin, kompara noong nakaraang taon ay mababa ang kinita ngayon ng Metro Manila Film Festival 2024. Kung mai-extend man siguro ay ‘yung malakas na lamang na pelikula tulad ng And The Breadwinner Is ni Vice Ganda ang patuloy na kikita.
Malaying-malayo raw ang resulta ng MMFF 2023 na nag-extend pa dahil sa tuloy-tuloy na malakas ang mga pelikulang kalahok last year.
Malaki ang agwat noon ng top-grosser na Rewind na halos isang bilyon ang kinita.
Ngayong taon ay nangunguna pa rin ang And The Breadwinner Is, pero kung pagbabasehan sa resulta sa takilya ng mga pelikulang nagawa ni Vice before ay mukhang hindi ganoon kalaki ang kinita nitong huli.
Hindi naman naglalabas ng official figures ang MMFF pero may nagtsika sa atin na as of Jan. 3 ay naka-P270-M pa lang itong pelikula ni Vice, although malaki na rin naman ‘yun.
Pero kung iisipin pa rin ang pelikula lang ng TV host comedian ang tiyak makababawi.
Ang layo nga raw ng pumangalawa na naka-P100-M pa lamang.
Sa mga lumabas na figures at ranking sa social media ay hindi raw ito official. Kaya abangan na lang natin ang official announcement ng MMFF Executive Committee o ng MMDA ni Atty. Don Artes.
Hindi nga raw natupad ang wish sana ng MMFF na malagpasan ang kinita ng Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Sa ganitong resulta ng MMFF, matuloy pa kaya ang Summer MMFF?