Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Estrada Barbie Imperial

John umalma pag-uugnay kay Barbie 

MA at PA
ni Rommel Placente

PUMALAG at hindi nagustuhan ni John Estrada ang kumakalat na isyu sa social media na nag-uugnay sa kanila ng aktres si Barbie Imperial.

Nag-post ang aktor sa kanyang social media account at nilagyan niya ng malaking “fake news” ang screenshot ng balitang may something sa kanila ng rumored girlfriend ni 

Richard Gutierrez.

Hindi raw niya alam kung paano ito nagsimula at kung kanino nanggaling.  

Esplika niya sa caption, hindi niya kilala ng personal si Barbie pero kilala niya ito bilang artista.

Sa buhay niya ay minsan lang niya ito nakita, at ‘yun ay sa Christmas Special ng ABS-CBN noong 2021 o 2022 at iyon na ang huli nilang pagkikita sa naaalala niya.

True naman na nagkasama sila sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin na FPJ’s Batang Quiapo pero ni minsan ay hindi sila nagkita dahil iba ang grupo, unit, at director nito.

Kaya mensahe niya sa mga mahilig magkalat  ng fake news, puwede na itong maging komedyante.

Nagbigay din siya ng mensahe sa mga online newspaper, tabloid o showbiz sites na sana ay mag-research muna at siguruhing tama ang ibabalita.

May mga tsika pa kasing lumabas na pinagseselosan daw ni Richard si John kaya naman marami ang naloka.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …